Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang bayan ng Lingig, Surigao del Sur sa Mindanao kaninang alas-5:16 ng madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong 24 kilometro hilangang-silangan ng lingig.
May lalim ang lindol na 28 kilometers at tectonic ang origin nito.
Naramdaman ang intensity 5 sa Lingig, at Hinatuan, Surigao del Sur; habang intensity 4 sa Bislig City, Surigao del Sur; at intensity 3 naman sa Boston, Davao Oriental.
Ayon sa PHIVOLCS, posible ang pinsala subalit wala namang inaasahang aftershocks ang nasabing pagyanig.
Samantala, naitala naman ang magnitude 4.3 na lindol sa Quezon, Bukidnon sa Mindanao bandang alas-10:12 kaninang umaga.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong sampung kilometro, hilagang-silangan ng bayan ng Quezon na tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang instrumental intensity 3 sa San Fernando, Bukidnon.