dzme1530.ph

Ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon, inaasahang lalago

Asahan ngayong taon ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas kumpara noong 2023.

Ayon sa First Metro Investment Corporation (FM) at University of the Asia and the Pacific (UA&P) posibleng maitala ang 6.1% GDP growth ng bansa sa unang quarter ng 2024.

Mas mabagal ito kumpara sa 6.4% na naitalang paglago sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ngunit mas mataas naman sa 5.6% growth rate na naiulat noong last quarter ng 2023.

Kaugnay nito, hinikayat ng FM and UA&P, ang gobyerno na panatilihin sa 5% hanggang 6% GDP ang insfrustructure spending.

Mababatid na tuloy-tuloy ang Marcos administration sa pagpapalakas ng mga proyekto ng pamahalaan kabilang ang flagship infrastructure program na nagkakahalaga ng ₱9.14-T.

About The Author