dzme1530.ph

Pagbibigay ng kasanayan sa magsasaka sa kursong agrikultura, tututukan ng TESDA

Hinihikayat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga magsasaka ng palay at lahat ng mga Pilipinong nakikibahagi sa sektor ng agrikultura na gamitin ang mga kurso sa pagsasanay lalo na sa modernong pagsasaka ng palay.

Ayon Kay TESDA Spokesperson for Deputy Director General Aniceto D. Bertiz III, patuloy na nakikipagtulungan ang ahensya sa iba pang pribadong sector at pagbibigay ng mga kasanayan at pagkakaton para sa mga magsasaka.

Nag-aalok din ang ahensya ng iba’t ibang kurso sa ilalim ng RESP ang Farm Field School on Production of High-Quality Inbred Rice and Seed Certification at Farm Mechanization, Rice Machinery Operations, Drying and Milling Plant Servicing NC III, Agro-entrepreneurship NC II, Pest and Nutrients Management, at Digital Agriculture Course sa Bukid Patlang Paaralan (FFS).

Dagdag pa ni Bertiz nitong mga nakaraang dalawang taon nakapagtala ang TESDA ng kabuuang 64,421 na mga rice Farmers ang sinanay ng ahensya mula taong 2020 to 2021.

About The Author