Hinirang bilang World’s Second Best Spirit ang Lambanog ng Pilipinas sa travel and lifestyle website na TasteAtlas.
Nakakuha ang Philippine Coconut Wine ng iskor na 4.4 star rating sa 79 na pagpipilian para sa nabanggit sa kategorya.
Inilarawan ng Taste Atlas ang lambanog bilang clear, colorless, and strong na karaniwang may alcohol content na 40%.
Samantala ang Speyside Scotch naman ng Scotland ang tinaguriang World’s Best Spirit habang pumangatlo ang Islay Scoth ng Scotland na sinundan naman ng Viljamovka ng Serbia at Armagnac ng France ang kumumpleto sa top 5.
Ang lambanog ay gawa mula sa fermented sap o dagta ng niyog.