dzme1530.ph

D.A, tiniyak na hindi makaaapekto sa pork supply ang ASF outbreak sa Cebu

Tiniyak ng Department of Agriculture na hindi maaapektuhan ang supply ng karneng baboy sa bansa kasunod ng pagkalat ng African Swine Fever (ASF)  sa maraming barangay sa Carcar City, sa Cebu.

Sinabi ni D.A Deputy Spokesperson Rex Estoperez na hindi nila inaasahan na magkakaroon ng malaking impact ang ASF outbreak sa pork supply.

Sa ngayon, aniya, ay magagarantiyahan nila sa publiko na kahit may ASF ay mayroon pa ring supply ng karneng baboy na safe for human consumption.

Noong Miyerkules ay kinumpirma ng Bureau of Animal Industry na 58 mula sa 149 na samples na sinuri sa Carcar City ay positibo sa ASF.

Inatasan naman ng D.A. ang Cebu government ng magpatupad ng mga paghihigpit upang makontrol ang mga kaso ng ASF.

About The Author