Naitala ang “dangerous” heat index sa La Union, kahapon, March 19, ayon sa PAGASA.
Ito ay matapos pumalo ng 47°c ang heat index sa nasabing lugar.
Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ang isang indibidwal ng heat cramps o heat exhaustion at iba pang kondisyon dulot ng init sakaling matagal ang exposure nito sa araw.
Ang iba pang lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na temperatura nitong Martes ay ang Dagupan, Pangasinan; at Roxas City, Capiz na may heat index na 40°c.
Tumutukoy ang “heat index” sa tindi ng init o temperatura na nararamdaman ng katawan ng tao.