Pinalalawakan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang sakop ng PhilHealth para mas madagdagan ang benepisyong makukuha ng mga miyembro nito.
Kasama sa mga plano ng Pangulo ay mapataas ang hemodialysis coverage mula 90 hanggang 156 sessions, ganun rin ang case rate ng top four packages kabilang ang 25% ng files claims at pagtanggal sa “pay-whichever-is-lower corporate policy” sa pagbabayad ng claims.
Ayon sa PhilHealth, itataas nila ang dialysis support ng 3 beses sa isang linggo o katumbas ng isang taong full weekly coverage para sa mga outpatient.
Dagdag pa ng health insurer na plano nilang pagmultahin ang mga pasaway na doktor at ospital kaysa bawiin ang kanilang accreditation at rebisahin ang Universal Healthcare Law.