Ikinatuwa ni UP Maritime Expert Professor Jay Batongbacal ang resulta ng OCTA Research Survey na 7 sa 10 Pilipino ang handang depensahan ang Pilipinas mula sa mga kaaway na bansa.
Sa panayam ng DZME 1530 ang Radyo Uno, sinabi ni Batongbacal na magandang alam ng taumbayan na nararapat ipaglaban ang Pilipinas.
“Magandang balita naman yon [na] pinapakita ng ating taumbayan [ay] kumbaga alam nila ang tama… at alam nilang dapat nilang ipaglaban ang kanilang bayan… [so] mabuti naman po na lumalabas po ‘yon… at siyempre ilang taon na rin tayong ine-expose at binabanatan ng misinformation at disinformation na siguro intended para ma-undermine nga yung pagmamahal natin sa bayan”
Samantala, inihayag din ni Batongbacal na ang naunang anunsiyo ng China National Offshore Oil Corporation (CNOOC) hinggil sa nadiskubre nitong 100 million tonelada ng oil reserve sa silangang bahagi ng South China Sea ay pampalakas lang ng value ng nasabing korporasyon.
“parang pampalakas ng loob o di kaya ay pampalakas ng value ng kanilang company… so, maaari [po silang ano] maaari pong totoo po yon [ano] pero alam naman po natin na matagal nang objective nila diyan sa south china sea [o] west philippine sea ay actually military and strategic, tapos secondary yang lang yang sa mga natural resources na yan… gayunpaman, maaari nilang gawing excuse yon… yong magiging dahilan nila… idadahilan nila sa mundo na gagawin namin ito kasi may mga nadiskubre na kaming resources at siguro ayaw nilang sabihin no kung saan sila exactly nandoon dahil baka nasa ibang bakuran pala, nasa katubigan pala ng ibang bayan yung sinasabi nilang nadiskubre nila.” –UP Maritime Expert Professor Jay Batongbacal