Hindi dahilan ang panibagong pambobomba ng water canon ng China sa West Philippine Sea para ma-trigger ang Mutual Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Sa panayam ng DZME 1530 ang Radyo Uno, nilinaw ni Philippine Navy Spokesperson, Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi naman gumamit ng armadong pag-atake ang China Coast Guard sa pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal.
Sa kabila nito, patuloy ang pamahalaan sa pagtugon sa panghaharas ng China sa mga barko ng Pilipinas.
Pag-aaralan din aniya ng Western Command Headquarters ang iba pang paraan para makapagsagawa ng Rotation and Resupply Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Kumpiyansa naman si Trinidad na mas maraming aktibidad sa karagatan ang ikakasa ng Pilipinas, kasabay ng pagtiyak sa publiko na hindi susuko ang kanilang hanay kasama ang iba pang militar sa pagprotekta sa West Philippine Sea.