Maraming pakinabang na maaring makuha sa pagkain ng labong o ubod ng kawayan o sa ingles ay bamboo shoot.
Ayon sa Integrative Medicine Practitioner na si Dr. Jaime Galvez Tan, mainam ang labong sa mga gustong magpapayat dahil mayaman ito sa fiber at low in calorie, low in sugar at low in carbohydrates.
Siksik din aniya ang labong sa mga pampalakas ng resistenysa, gaya ng Vitamin A, B Complex, at C, at mga mineral, tulad ng zinc at selenium.
Mayroong ding Antioxidants ang labong na mabisang panlaban sa Cancer.
May taglay din itong calcium, magnesium, at copper.
Gayunman, ipinaalala ni Tan na kailangang lutuin nang maigi ang labong at huwag gawing salad dahil maari itong makalason kapag kinain nang hilaw.