dzme1530.ph

SP Zubiri, nanindigang ang suporta ng kanyang mga kasama sa kanya ay patunay ng matatag na Senado

Pinatunayan ng mga suporta ng senador sa kanilang lider ang katatagan ng Senado.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri sa kanyang pasasalamat sa mga senador na lumagda sa statement of support para sa kanya.

Sinabi ni Zubiri na natutuwa siya sa patuloy na suporta sa kanyang liderato ng mga kasamahan.

Muli namang nanindigan ang senate leader na nagpapatuloy ang kanyang pagseserbisyo bilang Senate President alinsundo na rin sa kagustuhan ng kanyang mga miyembro.

Pinasalamatan niya ang mga lumagda na sa pahayag at ang mga nangakong lalagda pa.

Ang suporta anya ng lahat ay marka ng isang matatag na Senado, hindi natitinag ng anumang ingay, at palaging nagkakaisa sa paglilingkod sa bayan.

About The Author