dzme1530.ph

Isang lungsod sa Cebu, kumpirmadong may kaso ng ASF

Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang outbreak ng African Swine Fever (ASF) sa Cebu, makaraang 58 mula sa 149 na blood samples na sinuri mula sa Carcar City ang nagpositibo sa ASF.

Sinabi ng BAI na agad nag-deploy ang Carcar City Veterinary Office ng Carcar at Cebu Provincial Veterinary Office ng response teams para sa karagdagang disease surveillance sa lungsod upang matukoy ang lawak ng impeksyon sa mga baboy.

Una nang idinekara ang Cebu bilang ASF-Free Province makaraang magpatupad si Gov. Gwen Garcia ng ban sa pagpasok ng pork products mula sa Luzon at iba pang mga lalawigan upang maprotektahan ang industriya.

About The Author