dzme1530.ph

Dengue cases sa bansa, bumaba

Nabawasan ang bilang ng mga tinamaan ng dengue sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng ahensya, as of Feb. 23, mayroong 5,267 dengue cases na naitala, simula Jan. 28 hanggang Feb. 10.

Mas mababa ito kumpara sa 7,434 cases na naiulat, simula Jan. 14 hanggang Jan. 27.

Mayroon ding naitalang 67 nasawi simula Jan. 1 hanggang Feb. 10, na nagresulta sa case fatality rate na 0.32%.

Nilinaw naman ng DOH na posibleng mabago pa ang mga naturang pigura bunsod ng posibleng delayed consultations at reporting.

About The Author