dzme1530.ph

Asynchronous classes sa lungsod ng Maynila mananatili hanggang Mar. 11

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na mananatili ang pagpapatupad ng asynchronous classes sa mga pampublikong paaralan.

Ito’y kahit pa itinigil na ng ilang grupo ang kanilang transport strike.

Sa abiso ng Manila LGU, mananatili ang asynchronous classes hanggang sa Sabado, March 11.

Nabatid na hindi na binago ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang desisyon upang magkaroon ng pagkakataon, ang mga estudyante na matapos ang mga ipinadalang araling ng kanilang mga paaralan.

Ang mga pribadong eskwelahan naman na nasa lungsod ng Maynila ay nasa pamunuan na nito ang diskresyon kung magpapatupad na ng face-to-face classes o mananatili sa online.

Bukod dito, itinigil na rin kahapon at hindi na rin ipagpapatuloy pa ang libreng sakay dahil inaasahan na mas marami ng pampasaherong jeep ang babiyahe sa lungsod.

About The Author