Makararanas ang Metro Manila ng “meteorologically drought condition” sa Abril at Mayo, sa gitna ng nararanasang strong El Niño phenomenon sa bansa.
Ipinaliwanag ni Pagasa Climate Monitoring and Prediction Section Head Ana Lisa Solis, na nangyayari ang naturang kondisyon kapag mayroong malaking kabawasan ng pag-ulan sa loob ng tatlo hanggang limang sunod na buwan.
Sinabi pa ni Solis na kaunti lamang ang mararanasang mga pag-ulan kaya magreresulta ito ng malaking kabawasan sa rainwater.
Idinagdag ng opisyal na ang mahihinang pag-ulan na naranasan sa Metro Manila kahapon ay dala ng northeast monsoon o Amihan subalit wala naman itong malaking epekto.