Ginunita ng Pro-democracy groups ang ika-38 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng panawagang itigil ang isinusulong na Charter change (Cha-cha).
“No to Cha-cha!” ang sigaw kahapon ng mga grupo na binubuo ng mga magsasaka, manggagawa, guro, at religious organizations.
Nagsagawa sila ng demonstrasyon habang bitbit ang kanilang placards, sa harapan ng EDSA Shrine sa Quezon City.
Binigyang diin ni Gabriela Women’s Party-List Rep. Arlene Brozas na ang pagbabago sa 1987 Constitution ay maihahalintulad sa pagbuwag sa simbolo ng People Power Revolution noong 1986.
Sinegundahan naman nito ni ACT Teachers Party-list Rep. France castro sa pagsasabing, ang pagharang sa Cha-cha ay mahalaga upang mapangalagaan ang soberanya ng bansa.