dzme1530.ph

Umento sa sahod ng mga min. wage earner at kasambahay sa Region 11, aprubado na!

Aprubado na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner sa Davao Region.

Batay sa Wage Order no. RB XI-22 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Region 11, pinapayagan na ang pagtaas sa P19 na arawang minimun wage sa oras na maging epektibo ito at additional P19 na umento sa sahod sa September 01, 2024 bilang second tranche.

Dahil dito aabot na sa P481 ang daily minimum wage rate sa non-agriculture sector habang P476 naman sa agriculture sector.

Bukod dito, aprubado na rin ang P500 hanggang P1,500 na dagdag-sahod ng mga kasambahay sa rehiyon batay sa Wage Order no. RBXI-DW-03.

Inaasahang makatatanggap ng P6,000 na buwanang sahod ang mga kasambahay sa chartered city at first-class municipalities, habang P5,000 naman para sa mga kasambahay na nasa iba pang munisipalidad.

About The Author