dzme1530.ph

AFP, nilinaw na bawal lamang ang TikTok sa mga device na naka-connect sa Military network

Nilinaw ng AFP na maari pa ring gamitin ng mga sundalo ang kanilang social media app na TikTok sa kanilang personal devices, basta hindi ito naka-connect sa Military network at hindi sila magpo-post ng content na mako-kompromiso ang seguridad ng kampo.

Ginawa ni AFP Spokesperson Col. Francel Padilla ang paglilinaw matapos mabunyag na ilang miyembro ng militar ang pnagbawalang gumamit ng TikTok sa kanilang trabaho at personal phones bunsod ng cybersecurity risks.

Inihayag din ni Padilla na ang sinumang lalabag sa naturang direktiba ay sasailalim sa imbestigasyon at maharap sa posibleng parusa mula sa kanilang commanding officers.

Binigyang diin ng opisyal na ang kautusan ay hindi naman bago dahil ipinatutupad na ito ng AFP noong pang 2021.

About The Author