dzme1530.ph

Pambato ng Pinas sa WSL qualifying series 3000 sa Japan, tagumpay na nasungkit ang kampeyonato

Tagumpay na naiuwi ni John Mark Tokong ang kampeyonato sa katatapos na World Surf League (WSL) qualifying series 3000 (QS3000).

Sa pinaka-finals ng event, naka 6.5 points si Tokong sa kanyang unang wave at 6.3 points sa second wave, kung kaya meron siyang 12.8 total points na sinundan ng Hapones na si Daiki Tanaka na may kabuoang 11.2 points lamang.

Ang isang pang Siargao surfer na si Noah Arkfeld ay pumuwesto naman sa ika-13 sa finals ng torneo na ginanap sa Okuragahama Beach sa Port City ng Hyuga, Japan

Sabi ng United Philippine Surfing Association (UPSA), ang panalo ni Tokong ay naglagay sa kanya sa ika-4 na puwesto sa WSL Qualifying Series sa Asian region.

About The Author