dzme1530.ph

E-motorcycles, iginiit na tanggalan ng taripa para mapalawak ang paggamit ng e-vehicles

Iginiit ng International Think-Tank at Research Organization Stratbase ADR Institute na dapat isama ang e-motorcycles sa mga tatanggalan ng taripa sa ilalim ng Executive Order 12, Series of 2023 na nagsususpinde sa import duty ng electric vehicles sa susunod na limang taon para mapalawak ang paggamit ng e-vehicles.

Sa ilalim ng EO 12, ang e-motorcycles ay papatawan pa rin ng 30% tariff habang ang buwis sa kick scooters, pocket motorcycles, at self-balancing cycles ay inalis na.

Ayon kay Stratbase President Professor Dindo Manhit, dapat amyendahan ang EO dahil maraming manggagawa at estudyante ang gumagamit ng motorsiklo sa pagpasok habang ang four-wheeled vehicles ay kadalasang nakakayanan lamang ng mga indibidwal na mas malaki ang kinikita.

Noong 2021, nakapagtala ang Land Transportation Office ng halos 8-M units ng motorsiklo na nakarehistro sa ahensiya.

About The Author