dzme1530.ph

Pagbaba ng life expectancy ng mga Pinoy, nakaalarma —Sen. Go

Naalarma si Sen. Christopher “Bong” Go sa datos ng World Bank hinggil bumababang life expectancy sa bansa.

Sa datos ng World Bank, ang Pilipinas ang ikalawang bansa na may pinakamalaking populasyon sa Southeast Asia at ika-13 sa buong mundo.

Subalit ang life expectancy ng mga Pilipinos ay bumaba mula sa 71 years old patungong 69 years old sa mga babae habang 67 years old sa mga lalaki.

Sinabi ni Go na alarming ang pagbabang ito at nangangailangan ng agarang aksyon mula sa gobyerno at sa publiko upang iprayoridad ang mga programa sa kalusugan.

Kailangan anyang kumilos para maprotektahan ang kalusugan at kabuhayan ng mamamayan dahil maraming sakit na nagbabanta sa ating buhay at dapat mas palakasin pa ang healthcare system.

Kailangan din anyang mailapit ang serbisyo medikal sa taumbayan sa pamamagitan ng mga Super Healty Centers at Regional Specialty Centers.

Idinagdag ni Go na ang mas mababang life expectancy ng mga Pilipino ay wake-up call para sa lahat upang umaksyon sa kasalukuyang health situation.

Ipinaalala ni Go na dapat pangalagaan ang kalusugan at dapat tandaan na ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News 

About The Author