dzme1530.ph

Mga tsuper hindi mawawalan ng trabaho sa ilalim ng PUV modernization program —PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang mawawalan ng trabaho sa mga tsuper ng Public Utility Vehicles (PUV), sa harap ng pagpapatupad PUV modernization program.

Ito ay kasabay ng pasasalamat ng Pangulo sa pasiya ng mga grupong Manibela at PISTON na wakasan na ang transport strike, matapos silang makipagpulong sa Malacañang.

Sa ambush interview, iginiit ng Pangulo na hindi nila nais magdala ng dagdag na pahirap sa transport workers.

Kaugnay dito, tiniyak ng Pangulo na dadahan-dahanin ng gobyerno ang pag-shift sa electric vehicles, at siniguro nitong hindi mawawalan ng trabaho ang mga driver at operator na hindi makabibili ng modern PUV units, lalo na ang mga hindi makaka-utang ng pambili.

Naniniwala naman ang chief executive na ang pag-uurong sa Dec. 30 sa deadline ng consolidation ng jeepney drivers at operators ay makapagbibigay na ng sapat na panahon para ayusin ang sistema sa pag-iinspeksyon at pagpapalit ng mga jeepney.

About The Author