Nanguna si Vice President Sara Duterte at SEN. Raffy Tulfo sa 2028 presidential survey.
Batay sa resulta ng pag-aaral ng Tangere Research Firm, ipinapakita na si Duterte at Tulfo ay “statistically tied” bilang first choice para sa pagkapangulo.
Si Duterte ay nakakuha ng 31.5% na boto mula sa 2,000 respondents, habang 30.8% naman si Tulfo.
Si VP Sara ang Top choice sa 2028 Presidential Survey sa National Capital Region, Visayas at Mindanao, habang sa Northern Luzon, Central Luzon, at Southern Luzon naman nanguna si Tulfo.
Malayo naman sa ikatlong pwesto si dating VP Leni Robredo na may 12%, Sen. Grace Poe, 10%; at former Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, 6%.
Kabilang din sa potential presidential candidates sina Sen. Imee Marcos, 3%; dating Sen. Manny Pacquiao,2%; Sen. Risa Hontiveros,1%; formers Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, 1%, at Speaker Martin Romualdez, 0.3%. —sa panulat ni Airiam Sancho