dzme1530.ph

$400,000 assistance para sa Offshore Wind projects ng Pilipinas, inaprubahan ng ADB

Inaprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang $400,000 na assistance para suportahan ang development ng Offshore Wind (OSW) ports sa bansa.

Binigyan ng multilateral lender ng clearance ang technical assistance para tulungan ang pamahalaan sa ambisyon nitong makapag-develop ng wind power.

Ang package ay kukunin mula sa Climate Change Fund, na inilaan para sa ADB developing member countries upang matugunan ang sanhi at epekto ng Climate Change.

Ayon sa ADB, magbigay sila ng suporta sa bansa sa paghahanda ng pre-feasibility study reports para sa OSW ports o port facilities na ginagamit sa manufacturing, construction, at sa operasyon ng OSW power project. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author