Iprinisenta ng Private Sector Advisory Council kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tatlong nangungunang concerns ng investors sa bansa.
Sa pulong sa Malacañang, tinukoy ang Top 3 sharp focus on global competitiveness, una ay ang talento o ang paglutas sa skills mismatch sa pamamagitan ng industry driven solutions.
Ikalawa ay ang incentives o ang pag-adapt sa global minimum tax, at ikatlo ang ease of doing business para sa paglaban sa red tape.
Samantala, ini-rekomenda rin sa tesda na triplehin ang enterprise-based training placements sa priority industries pagsapit ng 2025, habang hinimok ang Special Assistant to the President on Investment and Economic Affairs na pag-aralan ang pagtatatag ng upskilling fund.
Ang meeting ay tumutok sa pag-aangat ng global competitiveness ng bansa upang mapalakas ang job creation. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News