Naglatag na ng oil spill boom ang Philippine Coast Guard, katuwang ang malay Municipal Disaster Risk Reduction Management Council at Malay PNP personnel sa Puka Beach sakop ng Boracay Island.
Ayon kay Coast Guard Ensign Eulogio Quinto III, paghahanda umano ito sakaling umabot sa Boracay ang oil spill mula sa Naujan, Oriental Mindoro.
Dagdag ni Quinto, nakaalerto rin ang Marine Environmental Protection Unit para hindi maapektuhan ang tanyag na beach sa bansa.
Sa kasalukuyan aniya ay walang dapat na ikabahala ang mga residente, turista at bakasyunista dahil ligtas na paliguan ang mga baybayin ng Boracay.