dzme1530.ph

Utang ng Pilipinas, lumobo sa record-high na P13.7-T noong Enero

Lumobo sa panibagong record ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas, hanggang noong katapusan ng Enero bunsod ng availment ng local at foreign loans.

Sa datos mula sa Bureau of Treasury, umakyat sa P13.7-T ang outstanding debt ng bansa, hanggang sa unang buwan ng 2023, mas mataas ng 2.1% mula sa P13.418-T na naitala hanggang noong December 2022.

Malaking bahagi  o  68.5% ng debt stock ay mula sa local creditors habang ang natitirang 31.5% ay inutang sa labas ng bansa.

Pumalo na ang domestic debt sa P9.38-T, matapos madagdagan ng 176.55 billion  o  1.9% mula sa 9.2 trillion noong disyembre.

Ang external o foreign debt naman ay naitala sa P4.31-T o mas mataas ng 2.4% o 103.08 billion mula sa 4.21 trillion noong December 31, 2022.

About The Author