Nanindigan si Sen. Imee Marcos na ipinatutupad pa rin ang Senado ang tinatawag na interparliamentary courtesy’ sa kabila ng iba’t ibang akusasyon sa kanila ng mga kongresista.
Ipinaalala ito ni Marcos kasunod ng pagpasa ng Kamara ng resolusyon ng pagsuporta kay House Speaker Martin Romualdez at pagbanggit sa anila’y intense attack ng Senado laban sa kanila.
Ipinaliwanag ng senador na dahil sa interparliamentary courtesy ay hindi nila ipinatawag sa pagdinig ng Senado sa pekeng People’s Initiative ang mga empleyado ng Kamara na direktang inuugnay sa pangangalap ng mga pirma.
Sinabi ni Marcos na minabuti niyang hindi na paharapin ang mga staff ng mga kongresista kahit hindi naman saklaw ang mga ito ng immunity tulad sa mga mambabatas.
Samantala, ipinauubaya na ni Marcos kay Senate President Juan Miguel Zubiri ang desisyon kung kinakailangan pang makipag-usap sa liderato ng Kamara gayung may mga nauna nang pulong na hindi naman sinusunod ng mga kongresista ang napag-usapan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News