Kumpiyansa ang National Irrigation Administration (NIA) na maabot ng Pilipinas ang self-sufficiency sa bigas pagsapit ng 2028.
Sa panayam ng DZME 1530- Radyo Uno, ipinaliwanag ni NIA Administrator, Engr. Eduardo Guillen na kung pag-aaralan ang annual rice importation, aabot lamang sa halos 5 million metric tons ng palay ang kakailanganin ng Pilipinas.
ang ating yearly rice importation ay nasa 3 million metric tons kung ira-round off ko lamang po ‘yan e mga kailangan natin diyan mga around 5 million metric tons of palay.
so assuming na may unyield na 5 tons na lang mga additional na tayo almost 500,000 hectares ‘yan… kami naman po sa NIA mayroon kaming mga for restoration na almost 300,000 net, meaning ang kailangan lamang naming new ay nasa almost 200,000 hectares, yun yung isang paraan natin…
Bukod dito, inatasan din aniya ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Dept. of Public Works and Highways na tumulong sa NIA, na aniya’y magpapadali sa kanila para maabot ang karagdagang 200,000 hectares ng firmed up service area.
pero mayroon pa po kaming ibang paraan diyan para ma-attain natin ‘yan ng hindi na natin hihintayin itong additional hectares natin..ito po ang aming ginagawa ngayon kasi kinukwenta po namin…kahit 1.3 million hectares nalang nung aming firmed up service area…
e kung ma-incresan namin from 4 tons to 6 tons yung aming yield, e kasi umaabot pa po yung mga farmers ng iba 8 tons yung iba 10 tons pa e so hindi naman po, imposibleng i-target namin yung 6 tons itong dalawang tonelada po na ito na increase mga 5.2 million hectares na per year, sobra-sobra na sa target natin…
Samantala, sinabi ni Guillen na nasa 2 million na ang irrigable land, base sa kanilang datos.
—sa panulat ni Airiam Sancho