dzme1530.ph

Nangyaring cyberattack sa gov’t websites, dapat imbestigahang mabuti

Dapat busisiin ang sunod-sunod na hacking incident sa ilang ahensya ng gobyerno, dahil napakalaking panganib na dulot nito sa cyberspace ng bansa.

Sa panayam ng DZME 1530- Radyo Uno, sinabi ni Ronald Gustilo, National Campaigner Digital Pinoy na dapat itong pangambahan ng mga Pilipino dahil nakikita ng mga hacker ang palitan ng mga mensaheng eksklusibo lang dapat sa mga ahensya.

sa pagtingin namin very specific ho yung mga tinarget na ahensiya ng gobyerno, although binabanggit ng DICT lagi naman may mga attempts pero itong recent wave talaga hong specific ho yung tinatarget. May mga kinalaman ho sa pagdepensa ating soberanya at doon partikular sa west philippine sea lalo yung coast guard ano?

ang binabanggit ng dict…google workspace ang inatake so ibig sabihin non mga email correspondence ng ating mga kaibigan sa philippine coast guard, sa department of justice, sa opisina ng cabinet secretary..yan ho yung mga tinarget e, ibig sabihin kung nakikita nila yung mga palitan ng komunikasyon na dumaan sa email dapat ho tayong mangamba talaga dito…..

Ani Gustilo, dapat umano’y tingnan ng pamahalaan ng bansa ang isang anggulo kung ito ba ay isang state sponsored cyber-attack.

kailangan ho talagang tingnan ng pamahalaan kung ito bang atakeng ito, binanggit naman na ho ng DICT sa China ho nila na-trace yung mga hacker, dapat tignan din ho yung anggulo na ito ba ay isang state-concerned cyber-attack na pinondohan ng China laban sa Pilipinas..

kasi alam niyo, una, napakahirap kung tanggalin sa isipan na co-incidence lamang na nangyari na sa gitna ng sigalot sa West Philippine Sea mayroong mga chinese hackers na umaatake sa mga site, email, mga server ng gobyerno ng Pilipinas…so kailangan hong imbestigahan to kasi kung ito ho ay state-sponsored eh ibang usapan na ho ito, kumbaga kung yung mga personal na ano ‘yan, mga indibidwal na hacker yung tumira sa’yo e isang bagay ‘yon pero ibang bagay pa kung ito ay inisponsoran ng isang pamahalaan…  –Ronald Gustilo, National Campaigner Digital Pinoy.

—sa panulat ni Fremie Belamala

About The Author