Aarangkada ngayong ala-1 ng hapon ang imbestigasyon ng Kamara sa napaulat na “cyber-attacks” sa ilang digital domain ng gobyerno.
Kinumpirma ni Navotas City Cong. Toby Tiangco, chairman ng Committee on Information and Communications Technology na magbibigay ng briefing sa kanila ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Katuwang ng komite ni Tiangco ang Committee on Public Information na pinamumunuan naman ni Cong. Jose “Joboy” Aquino, II ng Agusan del Norte.
Bukod sa DICT may mga inanyayahan din ang komite na private resource persons na makaktulong sa pagbibigay ng kaalaman kung paano lalabanan ang cyber-attack.
Una nito iniutos ni Speaker Martin Romualdez ang pagsisiyasat dahil para sa House leader, seryosong banta sa national security ang pag-hacked sa mga digital domain ng gobyerno at maging sa pribadong indibidwal kaya kailangan itong tuldukan agad. —sa panulat ni Ed Sarto, DZME News