Muling bumagal ang inflation rate o ang antas ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa noong January.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ito sa 2.8% mula sa 3.9% na naitala noong December 2023 at 8.7% na naiulat noong January nang nakaraang taon.
Kabilang sa nag-ambag ng mababang inflation ang mabagal na paggalaw sa presyo ng pagkain, utilities, at transport costs.
Samantala, pasok ang January 2024 inflation sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2.8% hanggang 3.6%. —sa panulat ni Airiam Sancho