Ipinagmalaki ng Malacañang ang bumabang inflation rate para sa buwan ng Enero.
Ito ay matapos maitala ang 2.8% inflation rate sa nagdaang buwan, na mas mababa sa 3.9% inflation noong Disyembre 2023.
Ayon sa Presidential Communications Office, ito ang pinaka-mababang inflation rate na naitala ng Philippine Statistics Authority simula noong Oktubre 2020.
Samantala, tiniyak naman ng National Economic and Development Authority na patuloy na babantayan ng gobyerno ang suplay at presyo ng pagkain sa harap ng El Niño o matinding tagtuyot. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News