Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na palagiang bukas ang kanyang tanggapan para sa pakikipag-usap sa liderato ng Kamara kaugnay sa mga isyu sa pagitan sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ito ay kasunod ng adoption ng Kamara ng House Resolution na nagpapakita ng suporta sa liderato ni House Speaker Martin Romualdez subalit binanggit na mayroong intense assault at undue interference mula sa Senado.
Maging si Zubiri ay nagtataka sa paratang ng Kamara dahil katunayan ay siya pa mismo ang nananawagan na ibaba ang temperatura ng bangayan.
Binigyang-diin ng Senate Leader na hinimok pa niya ang mga senador na tutukan na ang kanilang mga trabaho para sa kapakanan ng taumbayan.
Una rito, nagboluntaryo si Sen. Jinggoy Estrada na pangunahan ang dayalogo sa mga kongresista upang maplantsa na ang hindi pagkakaunawaan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News