Pinaiimbestigahan sa Kamara si Davao del Norte Cong. Pantaleon “Bebot” Alvarez, na umano’y gaya ni dating pangulong Rodrigo Duterte ay pinapalutang ang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.
Ayon kay Camiguin Rep. Jesus Jurdin “JJ” Romualdo, sakaling makakalap ng mga ebidensiyang magpapatunay na ginagawa nga ito ni Alvarez, maaring isailalim sa expulsion proceedings sa Kamara ang kongresista.
Inamin ni Romualdo na sa hanay ng Mindanaoan lawmakers at ordinaryong mamamayan, labis silang nababahala sa posibleng implikasyon ng pinalulutang na separatist movement on national unity and stability.
Una nang sinabi ng anak nitong si Camiguin Gov. Xavier Jesus “XJ” Romualdo na posibleng papanagutin sa kasong sedition si Duterte at Alvarez. —sa panulat ni Ed Sarto, DZME News