dzme1530.ph

Phreatic eruption sa bulkang Mayon kahapon, hindi indikasyon ng nakaambang mas malakas na pagsabog

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pangamba ng posibleng mas malakas na pagsabog kasunod ng naganap na phreatic eruption kahapon sa bulkang Mayon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, inihayag ni PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol na ang nasabing phreatic eruption ay hindi indikasyon na susundan ito ng mas malakas na pagputok ng bulkan.

Hindi rin umano ito hudyat para itaas ang Alert level ng Mayon, na sa ngayon ay nananatili sa alert level 2.

Ipinaliwanag din ng PHIVOLCS na ang phreatic eruption ay sadyang maaaring maganap anumang oras.

Sa kabila nito, mahigpit pa ring pinapayuhan ang mga residente na huwag pumasok sa 6-kilometer permanent danger zone. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author