Nag-abiso ang MERALCO na posibleng tumaas sa ikalawang sunod na buwan ang singil sa kuryente ngayong Pebrero.
Sinabi ni Joe Zaldarriaga, MERALCO Vice President at Head ng Corporate Communications, na bagaman hindi pa nila natatanggap ang lahat ng billings mula sa kanilang suppliers ay mayroong indikasyon na tataas ang bill sa kuryente ngayong buwan.
Ito, aniya, ay dahil sa pagpapatuloy na pangongolekta ng feed-in tariff allowance na kalaunan ay magre-reflect sa pamamagitan ng Energy Regulatory Commission.
Idinagdag ni Zaldarriaga na tataas din ang generation charge bunsod ng mas tumaas na fuel prices, gaya ng imported liquefied natural gas na ginagamit sa gas-fired power plants. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera