dzme1530.ph

Bahagyang pag-angat ng Pilipinas sa global corruption index, senyales ng pag-asa sa tamang direksyon —Malacañang

Itinuturing na senyales ng pag-asa ng Malacañang ang bahagyang pag-angat ng Pilipinas sa corruption perception index ng transparency international, matapos itong umakyat sa pang-115 mula sa dating pang-116 na pwesto.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ang nasabing improvement ay maaaring nagpapakita na nasa tamang direksyon ang Pilipinas.

Sa kabila nito, itinuturing din ito ng gobyerno bilang panibagong hamon upang pagbutihin pa ang tungkulin.

Kaugnay dito, ipinatutupad na umano ang mga hakbang tungo sa digital transformation upang mapabilis ang institutional processes, at masawata ang graft and corruption.

Tiniyak ni Bersamin na hindi hihinto ang pamahalaan sa commitment sa pagbibigay ng maayos at transparent na serbisyo publiko. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author