Napili si dating Vice President Leni Robredo bilang isa sa mga kinatawan ng Rockfeller Foundation para sa prestihiyoso nitong Bellagio Center Residency Program sa Italy.
Nagtungo si Robredo sa Bellagio, Italy kung saan sisimulan nito ang kaniyang libro na tatalakay sa journey o naging karanasan nito bilang bise presidente ng Pilipinas.
Nakabase ang nasabing libro sa mga paniniwala ni Robredo na ang gamot sa modernong otokrasiya ay masigla at makapangyarihang sambayanan.
Magugunitang, sa kanyang termino bilang ika-14 na pangalawang pangulo ng bansa, inilunsad nito ang kanyang flagship program na angat buhay na nagbigay ng mga interbensyon sa edukasyon, kalusugan, nutrisyon, seguridad sa pagkain, rural development, women empowerment, at pabahay sa pamamagitan ng private-public partnerships (PPP).
Ito’y alinsunod sa layunin ng Rockefeller Foundation na nagtataguyod at naghahanap ng mga solusyon upang isulong ang pagbabago para sa kapakanan ng mga tao sa buong mundo.