Nakapagtala ng 272,233 motor vehicles renewal ang Land Transportation Office (LTO) noong Enero.
Ayon sa LTO, kinabibilangan ito ng 198,283 motorsiklo, 20,427 sasakyan, 34,436 na utility vehicles, 12,123 sports utility vehicles, 5,617 na taxi, 1,098 na tricycle, at 168 na bus.
Nangunguna sa may pinakamataas na bilang ng renewal ang National capital region (NCR) na may 48,490, sinundan ng CALABARZON na may 39,680, Central Visayas na may 30,022, at Central Luzon na may 25,456 registrations.
Habang aabot naman sa 1,966 na sasakyang de-motor ang na-impound noong nakaraang buwan.
Sa datos ng LTO, nasa 81.5% ng motorsiklo sa Pilipinas ang maituturing na ‘delinquent’ o mga hindi nairehistro na katumbas ng 20.15 milyong motorsiklo.—sa panulat ni Hannah Oledan