dzme1530.ph

DA, tiniyak ang sapat na suplay ng sibuyas ngayong 2024

Sapat ang suplay ng sibuyas sa bansa ngayong taon.

Ito ang tiniyak ng Dept. of Agriculture(DA) na patuloy itong gumagawa ng mga hakbang upang mapabuti ang produksyon ng sibuyas sa Pilipinas.

Kabilang dito ang pagsagawa ng surprise inspection ng ilang opisyal ng DA sa pangunguna ni Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, para obserbahan ang mga taniman ng sibuyas sa Bongabon at Rizal sa Nueva Ecija.

Kaugnay nito, magbibigay ang Bureau of Plant Industry(BPI) ng technical support program sa mga onion farmer, upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagtatanim at pag-aani ng sibuyas, mapataas ang produksyon nito, at maging ang kanilang mga kita.—sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author