Nasa desisyon ng Pangulo ng bansa kung bubuwagin na nito ang National Task Force to End Local Commmunist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ito ang pahayag ni Sen. Nancy Binay kasunod ng suhestyon ni UN Special Rapporteur Irene Khan na buwagin na ang task force.
Sinabi ni Binay na ang Pangulo ang mayroong kumpletong detalye sa usaping may kinalaman sa insurgency at sa national security.
Maliban sa mga naging isyu tulad ng red-tagging, sa ngayon, mas makabubuti anyang tanungin ang Department of the Interior and Local Government kung may value ang task force sa usapin ng pagpapababa ng insurgency and internal threats sa nakalipas na mga taon.
Ipinaalala pa ng senadora na lahat ng task force ay pansamantala lamang at nsa kamay ng Pangulo ang buhay nito.
Ang gusto lamang naman anya ng lahat ay magkaroon ng all-inclusive at sustainable peace. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News