Pinuri at tinukoy na positive developments ni UN Special Rapporteur Irene Khan ang binuksang peace talks ng gobyerno sa mga komunistang grupo, at pagpapalaya kina dating senador Leila de Lima at journalist na si Maria Ressa.
Ito ay sa pagtatapos ng 10-araw na pag-bisita ni Khan sa Pilipinas kaugnay ng assessment sa estado ng freedom of opinon, expression, at human rights sa bansa.
Bukod dito, pinuri rin nito ang masiglang pagkilos ng civil society organizations, at gayundin ang Presidential Task Force on Media Security.
Inirekomenda naman sa initial report ng UNSR ang pagpapalakas pa ng mga programa at mekanismo sa pagtatanggol ng karapatang pantao, na magsisilbing pundasyon sa transpormasyon at pagtutulungan ng UN at gobyerno ng Pilipinas.
Ipinabatid naman ng pamahalaan ang pagiging bukas sa reporma kaakibat ng pag-suporta sa right to expression at right to life. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News