dzme1530.ph

NGCP, nagbabala kaugnay sa unstable na suplay ng kuryente sa Panay Island

Nagbabala ang National Grid Corp. of the Philippines(NGCP) kaugnay sa unstable na suplay ng kuryente sa Panay Island.

Sa abiso ng korporasyon, nagsagawa kasi ito ng preventive maintenance sa unit 1 ng coal-fired power plant ng Panay Energy Development Corp.(PEDC) sa ilalim ng Meralco Powergen Corp.(MGEN) simula noong hatinggabi ng February 1 at matatapos hanggang sa February 17.

Kasama sa mga apektadong lugar ang Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo.

Samantala, ipinaliwanag ng NGCP na layon ng hakbang na mapanatili ang integridad ng sistema sakali mang magkaroon ng panibagong outage sa Panay sub-grid. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author