Inihayag ng Council for the Welfare of Children na mahigit 900,000 malalaswang websites na nagpapakita ng online child sexual abuse ang na-block sa bansa noong 2023.
Ayon kay CWC Executive Director Angelo Tapales, iniulat sa kanila ng isang telecommunications company na nasa 902,000 na bastos na sites ang kanilang na-block noong nakaraang taon.
Ang mga ito umano ay nagpapakita ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children, o Child Sexual Abuse o Exploitation Material.
Sinabi ni Tapales na nakababahala ito dahil napakataas pa rin ng insidente ng online sexual abuse sa bansa.
Ibinahagi pa ng CWC na ang mga magulang, kamag-anak, o iba pang malalapit na tao sa bata ang kadalasang nasa likod ng sexual exploitation o pagbebenta ng malalaswang litrato o video ng mga bata, sa harap ng umanoy negatibong paniniwala na ang bata ay dapat ding mag-ambag sa income ng isang pamilya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News