Nagkaroon ng prangkahang pag-uusap sina United Nations Special Rapporteur Irene Khan at Executive Secretary Lucas Bersamin, kaugnay ng estado ng press freedom at human rights sa bansa.
Ayon sa Presidential Task Force on Media Security, isang oras na nagpulong sa Malacañang sina Khan at Bersamin, at naging paksa nito ang press freedom at freedom of opinion sa Pilipinas.
Tinalakay din ang mga hakbang na ginagawa ng administrasyong Marcos sa pagtataguyod ng rule of law, at pagtatanggol sa karapatang pantao.
Ikinagalak din umano ni khan ang pagpapaunlak ni Bersamin sa meeting sa kabila ng abala nitong schedule.
Mababatid na ipinagmalaki ng PTFoMS ang umano’y matagumpay na pagpapakita kay Khan ng openness at transparency ng gobyerno sa mga isyung may kaugnayan sa freedom of opinion, expression, at human rights. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News