dzme1530.ph

Pagdinig sa economic Cha-cha bill, gagawing linggo-linggo ng Senado

Target ni Sen. Sonny Angara na gawing linggo-linggo ang pagdinig kaugnay sa isinusulong na pagbabago sa economic provisions ng saligang batas.

Si Angara ang naatasang mamuno ng sucommittee ng Senate Committee on Constitutional Amendments na pinangungunahan naman ni Sen. Robin Padila.

Ayon kay Angara, sisikapin nilang na makapag hearing kada linggo hanggang matapos at maging komprehensibo ang pagtitibayin nilang panukala para sa pag-amyenda sa ilang economic provision ng konstitusyon.

Iginiit ni Angara na maganda ang gagawin nilang public hearing dahil limitado lang ito sa economic amendments partikular sa tatlong economic provision na nakapaloob sa Resolution of Both Houses No 6.

Hindi anya katulad ng isinusulong na people’s initiative para sa chacha kung saan walang limitasyon ang pag amyenda sa konstitusyon sakaling magtagumpay ang hangarin na gawing jointly ang botohan ng Kamara at Senado.

Sa Lunes, aarangkada na ang unang pagdinig sa Resolution of Both Houses 6 o sa tinatawag na economic Cha-cha bill. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author