Dumami ang mga kaso ng cyber identity theft na naitala noong 2023 kumpara noong 2022.
Batay sa datos ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), tumaas ng 12.2% ang cyber identity theft cases, kung saan mula 1,402 noong 2022 ay umakyat ito sa 1,597 noong nakaraang taon.
Bunsod nito, pinaalalahanan ng PNP-ACG ang publiko na maging maingat at mapanuri online, lalo na sa pagse-share ng personal information, at pag-click sa kaduda-dudang links o pag-download ng attachments mula sa unknown sources.
Ang Cyber Identity Theft ay may katapat na parusa na 12-taong pagkakabilanggo o multa na mula P200,000 hanggang sa maximum amount na katumbas ng pinsala, o parehong kulong at multa. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera