Tinukoy ng Dep’t of Finance ang pagpapahupa sa inflation rate bilang first order of business, upang makamit ang target 6.5 – 7.5% na paglago ng ekonomiya ngayong 2024.
Ayon kay Finance Sec. Ralph Recto, ang pagtitiyak ng stable at abot-kayang presyo ng mga pangunahing bilihin ay napakahalaga sa pagsulong ng ekonomiya.
Ito rin umano ang magbibigay-daan sa paglakas ng revenue collection at private spending.
Kaugnay dito, magpupulong ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook ngayong buwan upang siguruhin ang napapanahong implementasyon ng mga hakbang sa food at non-food inflation.
Mababatid na bigong makamit ng gobyerno ang target 6-7% g-d-p growth noong 2023, makaraan lamang itong umabot sa 5.6%. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News