dzme1530.ph

Panawagang drug test ni dating Pangulong Duterte kay PBBM, sinuportahan ng isang senador

Upang matapos na ang patutsadahan nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos, iginiit ni Sen. Risa Hontiveros na dapat sumalang sa drug test ang mga ito.

Ginawa ni Hontiveros ang pahayag kasunod ng hamon ni Duterte sa Pangulo na sumalang sa drug test matapos ang kanyang akusasyon na nakasama sa drug watchlist ang lider ng bansa.

Iginiit ng senador na dapat ay walang duda at boluntaryo ang pagpapa-drug test.

Sa hamon ng dating Pangulo, dapat sa Luneta Park isagawa ang drug testing nng isang independent entity o doctor.

No comment naman dito si Senatte Minority Leader Koko Pimentel habang ang kapatid ng Pangulo na si Sen. Imee Marcos ay dumistansya at iginiit na wala siyang alam sa usapang droga.

Binigyang-diin ni Marcos na pagdating sa isyu ng droga, mas makabubuting ang kasalukuyan at nakalipas na Pangulo ng bansa ang mag-usap. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author